Poor 2-years Old child Passed Away After Hospital Failed to Give Proper Medical Attention

Patients go to hospitals in hopes to seek help and cure from whatever illness they may have. Ideally, doctors and nurses should provide immediate medical attention especially to those are in between life and death.



However that's not always the case, there are hospital managements who will not accommodate a patient's needs for some reason which are sometimes absurd.

A mother expressed her shared her tragic experience of how a hospital in which she trusted to cure and save her sick little daughter.

Rudylyn L. Custodio-Clarin let out her emotions in a very long Facebook post, detailing the last few days of her 2-year old daughter.

Read her full post below:

"Ako po ang ina ni ROU INNOCENT CUSTODIO CLARIN 2 yrs old and 4 months girl na namatay noong October 14, 2016. 
Noong mga humigit kumulang ng 11:20 ng gabi, October 13, 2016 ay sinugod ko sa Basey District Hospital ang aking anak na dahil sa paulit-ulit na sumusuka. Noong nandoon na po kami sa Hospital ay nadatnan ko po ang Doctor. Nilapitan ko po sya kaagad upang humingi ng tulong dahil sa nag aalala ako sa kalagayan ng aking anak. Tiningnan nya lamang ito at sinabihan na umuwi na lamang kami at obserbahin na lang daw namin sa aming bahay at bumalik na lamang uli kami sa kanila kung susuka uli ang aking anak. Dahil nga po sa yun ang payo sa amin ng Doctor, ay umuwi kami at nakarating sa aming bahay ng humigit kumulang ng alas 12:00 ng hatinggabi. 
Noong nakarating na po kami sa aming bahay, ay nagsuka muli ang aking anak. Mga 1:00 hanggang 3:45 ng madaling araw ng ika 14 ng October 2016, ay limang beses (5)beses na sumuka ang aking anak. Pinakain ko po sya ng Lugaw at pagkatapos kumain ay dinala ko siya agad sa Hospital dahil iyon ang payo ng Doctor sa amin. 
Dahil nga po madaling araw pa noon ay naglakad kami papuntang Hospital at narating namin ito ng mga alas 4:00 ng madaling araw. Pumunta kami sa entrance ng emergency room pero patay ang ilaw nito at naka-lock ang pinto kung kayat dumaan na lang kami sa likod ng pintuan ng Hospital. Noong nasa loob na po kami ng emergency room ay malumanay kong ginising ang mga staff doon na nkatulog sa sahig ng emergency room. Noong nagising na po yung isang nurse at yong staff ng hospital ay humingi po agad ako ng tulong sa kanila at dahil ito rin ang payo ng Doctor sa amin noong gabing pumunta kami. 


Ang naging tugon sa akin ng lalaking nurse ay umidlip lang sya at inayos ang headset ng kanyang cellphone! At hindi po ako pinansin. Dahil nga po sa hindi ako pinansin ng lalaking nurse ay may lumapit sa aking anak at tiningnan lang ang likod ng aking anak at tinanong kung may lagnat, tapos umalis siya at nag tsismisan lang silang dalawa.
Habang nagtsitsismisan silang dalawa ay nakita ko ang aking anak na sunod-sunod na sumusuka at dahil dito ay napasigaw ako sa takot dahil sa kalagayan ng aking anak. Dahil po dito ay muli akong lumapit at nagmamakaawa sa kanila na bigyan sana nila kaagad ng lunas ang anak kong paulit ulit na sumusuka. Wala po silang ginawang aksyon para matulungan ang aking anak. Naki usap at nagmamaka awa ako sa kanila na sana ay puntahan nila ang Doctor na para ma eksamin at mabigyan ng lunas ang karamdaman ng anak ko pero ang sabi sa akin na nasa Quarter House pa ang Doctor at tulog pa ito at alas 8:00 ng umaga pa ito magro-roaving. 
Lumipas po ang higit isang oras ay wala pa rin nagbigay lunas sa kalagayan ng aking anak at dahil na rin sa patuloy kong pagmamaka awa sa kanila ay binigyan ako ng lalaking nurse ng Oresol at sinabihan ako ng pasigaw na “PATUMARA EVERY THIRTY MINUTES!” at ito naman po aking sinunod. 
Noong pinapainum ko na po ang aking anak ng tubig na may oresol ay ayaw niya po itong inumin at patuloy at paulit ulit pa ring sumusuka ang aking anak. Lumapit ako muli sa nurse at sinabihan niya ako na pilitin ko ang aking anak na inumin ang tubig na may halong Oresol at pakonti-konti lang ang ininom ng aking anak. Pero kahit naka inom na aking anak ng tubig na may Oresol ay hindi pa rin tumitigil ang pagsusuka. 
Dahil po sa nagaganap na hindi maganda sa kalagayan ng aking anak ay lumapit po ako sa kanila uli upang magpatulong pero ang sabi po nila sa akin ay “DINHI KA LA ANAY, MAGAWAS KAMI” at iniwan nga po nila kaming dalawa sa loob ng emergency room.
Pagkalipas po ng mahigit isang oras ay napansin na nila ang aking anak na nasa grabe ng kalagayan ay saka lamang nila itong inaksyonan. Pinabili po nila ako ng hoose ng dextrose at nilagyan po nila sa kanang kamay, pero pagkalipas ng ilang minuto nasa lobby kami ng hospital ay pinuntahan ko sa nursing station dahil sa namamaga ang kanang kamay ng aking anak dahil sa karayom ng dextrose at hindi tumutulo ang dextrose. Ngunit hindi po nurse ang lumapit sa akin kundi dalawang J.O lang ng hospital. Noong nakita nila ito ay tinanggal nila ang karayom sa aking anak. Noong tinanggal na nila ang dextrose ng anak ko ay naki usap ako na ibalik ang dextrose, ngunit hindi na nila ito binalik. 
Nakita ko po ang Doctor at linapitan ko sya dahil sa sitwasyon ng aking anak at pinag sabihan ko po sya na hindi na maganda ang kalagayan ng aking anak, ngunit hindi po binigyan ng attention ang aking anak at dinaanan lang nya!
Dahil nga po sa mga ginagawa nilang pagtrato sa anak ko, ay naki usap ako na kung maari ay refer nila kmi sa Tacloban Hospital, sinabi po ng isang nurse, sa EVRMC po maam? Ang sagot ko hindi! Sa St. Paul Hospital natin dadalhin ang anak ko! Pero ang tugon nila ay may pipirmahan pa raw ako sa Window at babayaran sa PHilhealth at sinabihan ako na “HULATA HI DISLEY KAY AMO IT NAG AASIKASO HIT PHILHEALTH”. 


Naghintay po ako hanggang 9:45 AM nh October 14, 2016 ng umaga at dumating nga po itong staff ng Philhealth at sinabihan ako na 400 plus daw ang babayaran ko, kaya umuwi ako ng bahay at nakakuha ng pera. Pagbalik ko sa Hospital malala na ang anak ko at lumaki ang tiyan at nanlilisik ang mga mata ng anak ko. At sinabihan ako ng nurse sa nursing station na “PIRMA ANAY” bago raw kmi makaalis sa Hospital. Dahil sa nataranta na ako sa mga nangyayari at sa kalagayan ng aking anak ay pumirma po ako agad sa mga dokumento nila na hindi ko binasa. Binuhat ko na po ang aking anak at pumasok kami sa loob ng ambulance pero naghintay pa kami ng mga 30 minutes at lumabas ang security guard at pinapirma na naman ako ng documents ng hindi ko nababasa at naiintindihan, dahil sa nirbyos ko at takot sa kalagayan ng aking anak.Naghintay na naman po kami ng ilang minutes dahil nga po walang staff ang ambulance na mgdadala po sa amin papuntang Tacloban st. Paul Hospital. 
Noong mga 10:50 ng umaga ng ika 14 ng October 2016 ay dumating na ang staff ng hospital ngunit sila ay hindi nurse at doctor kundi mga JO lamang. At doon lamang kami nKa alis ng hospital papuntang Tacloban St. Paul Hospital. Habang nasa ambulance kami inuuhaw at naghahanap ng tubig ang aking anak at lumulubo ang kanyang tiyan. Noong nakarating na kami sa St. Paul Hospital ay inadmit kami kaagad at hiningi ang documents na pinadala ng staff ng Basey District Hospital at ito naman ay binasa ng staff sa St. Paul Hospital at doon ko nalaman na electrolyte imbalance daw. Pagkabasa po nila ng documents ay nilagyan na ng dextrose at oxygen. Pagkalipas po ng ilang minutes ay sinabihan ako ng Doctor na nasa critical na ang kalagayan ng anak mo at bakit ngayon mo lang dinala? Napaiyak na lang po ako sa ibinalita ng mga Doctor at sinabihan nila ako na “MILAGRO NA LANG YONG ANAK MO NA MAG SURVIVE PANGADI NA LANG DAY PANGADI NA LA!” 
Mga alas 8:15 ng ika October 14, 2016 ay binalita po nawala na po ang aking anak.
Basi po sa kanilang counter affidavit, puro kasinungalingan!
# nag refuse daw po ako na i admit ang aking anak
# hindi ko raw tinanggap ang oresol
# iniwan ko daw po ang aking anak upang mkipag inuman ng tuba
# hinanap daw ako ng ambulance driver, dahil iniwan ko daw sa hospital
# Nag refuse daw po ako na dalhin sa tacloban
# hindi po na dehydrate ang aking anak 
Mga hayop kayo ginawa nyo akong abnormal! Hindi ko magagawa ang mga paratang nyo sa akin! Mga wla kayong konsensya! Isipin nyo na may mga anak kayo! Balang araw mararanasan nyo rin ang nararanasan ko! Mga demonyo kayo! Nakuha nyong baliktarin ang nangyari sa anak upang makalusot sa kahayupang ginawa nyo sa anak ko! May mga ibednsya po ako na mga mgpapatunay na hindi ko pinabayaan ang aking anak!
Sinira nyo ang reputasyon ko bilang isang Ina, Magulang, Ang pamilya ko, pati mga anak ko apiktado sa pagkawala ng kanilang kapatid, sinira nyo ang buhay ko! gumawa kayo ng kwento laban sa akin upang makalusot sa kahayupang ginawa nyo! Lumabas na kayo sa isyu sa pagkatao ko, ang isyu ay kung paano nyo trinato ang anak ko sa mga oras na yon! Bilang isang magulang at ina, ang tanging hangad ko lamang sa mga oras na yon ay maagapan ang buhay ng anak ko! Nagawa nyong manipulahin, pinalabas nyong abnormal ako! pati address ko! Ginawa nyong Brgy. Loyo! Sa tinagal tagal ko sa mundo! Pinalabas nyong hindi ko alam ang address ko. Musmos plang ako hindi pa ako marunong mgbasa at mgsulat alam ko po kun saan ako nakatira. (Hometown) tga San Roque St. at Brgy. Mercado Basey W.Samar 
Pagkatapos po mailibing ang aking anak ay nagpunta po ako sa Hospital upang ipamukha sa Doctor at Nurse sa ginawa nila sa anak ko! Nagkataon na sila ang nka duty! Kinausap ko po si Anthony Alvarez ang Nurse sa loob ng Emergency room kung nasaan ang Doctor at ano ang pangalan? Ngunit sarkastiskong akong sinagot na hindi nya kilala! Dahil sa tindi ng emostion ko, ay nagka sagutan kmi at hinila ako papalabas ng mga staff sa labas ng Emergency room at akmang gugulpihin ako ng Nurse na si Anthony Alvarez, buti nalang may pumigil sa knya na isang staff at nakita ko sa gilid ng upuan si Dr. Van Modesto! Pinagtulungana nila ako at may isang nurse na nagsabi ” DAPAT IKAW NA LA NAG DEXTROSE HAN IM ANAK” at sinabi pa sa akin ni Anthony Alvarez, “Dre ak nahadlok! pag reklamo so?”
Tulungan nyo po akong makamit ang hustisya ng aking anak.Humihingi po ako ng katarungan! Bilang isang ina hanngang ngayon ako ay nagdadalamhati, dahil kitakitang ko po sa aking mga mata, kung paano nila pinahirapan ang aking anak! Hwag po kayong papayag na marami pa silang mabiktimang mahihirap! Sana po makarating po sa ikinauukulang Mahal nating Pangulong Rodrigo Duterte!"



What can you say about her story? Have you had any similar experience? Let us know and don't forget to share and let others know of her unfortunate experience!


Source: TNP,Facebook



Loading...