Panoorin: Vice Mayor Nova Pricess Parojinog Iginiit na planted ang shabung nakuha sa kanya!

Patay ang alkalde ng Ozamiz City, kaniyang asawa, at 13 iba pa matapos ang isinagawang sunod-sunod na raid sa lungsod nitong Linggo, Hulyo 30.


Arestado rin si Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echaves. Nasamsam sa kaniyang bahay ang mga baril, pera at shabu. 
Pero nagalit sa mga pulis ang bise alkalde at sinabing 'itinanim' lang daw ng mga pulis ang nasabat na kontrabando. Sabi pa niya, pulis din ang pumutol sa kable ng kanilang CCTV para hindi umano makunan ang isinagawang raid. Nagpa-Patrol, Kori Quintos. TV Patrol, Linggo, Hulyo 30, 2017





Source :ABS-CBN



Loading...