WATCH : No. 1 drug lord sa Iloilo City na si Richard Prevendido patay sa police raid

Wala pa man sa Iloilo City si PCI Jovie Espenido, napatay sa isinagawang anti-drug operation ng PNP ang tinuturing na No. 1 drug lord sa Western Visayas na si Richard “Buang” Prevendido at isa pang suspek matapos manlaban sa mga pulis.



Watch video:



Alas-10:00 ngayong gabi nang isinagawa ang drug raid ng composite team ng Regional Intelligence Unit, Iloilo City Police Office at Iloilo Provincial Police Office sa isang abandonadong bahay sa Landheights Subdivison, Jaro, Iloilo City.
Kabilang sa mga narekober sa loob ng bahay ayon kay Senior Supt. Marlon Tayaba ang shabu at matataas na kalibri ng baril. Nabatid na si Richard Prevendido ay may patong sa ulo na P1.1 million.

Anong masasabi nyo dito? Nararamdaman nyo na ba ang pagbabago Gaya ng sabi ni President Duterte na Uubusin ang mga Druglords sa ating bansa? ishare para Updated ang iba...

Source: NEWS5



Loading...